Nagkakaroon ng mga problema ang DALAWANG kaibigan ko sa kanilang buhay may-asawa at gusto nilang sumubok at isaayos ang mga bagay-bagay. Parehong mahilig maglayag at nagpasiyang bumili ng maliit na bangka; umasa sila na pagsasamahin sila ng proyektong ito.

Nakakita sila ng advertisement kung saan ay nagustuhan nila, na mukhang napakagandang bilhin. Sa sumunod na araw bumiyahe sila papunta sa isang pambayang daungan para makita nila mismo ito. Sa ibabaw ng tubig, gaya nang nasa larawan na kanilang nakita, mukha itong makinis at makintab at tamang-tama. Gayunman, nang makita nilang nasa tubig na ang bangka kitang-kitang bulok na ito at hindi na puwedeng maglakbay sa tubig.

Nakalulungkot, na bumaling ang asawang babae sa kanyang kabiyak at bagkus ay masamang loob na nag-obserba: “Parang tayo lang iyon. Mukha tayong ayos sa pang-ibabaw sa mga pinaka-nakakikilala sa atin, ngunit sa pang-ilalim ang lahat ng bagay ay sira at nabubulok hanggang sa kalagitnaan.” Gaanong kadalas ito.

Ang pagtitiyak na mananatiling mabuting naitataguyod at matatag ang mga pag-aasawa ay kinakailangan ng matinding pangangasiwa ng panahon, pag-iisip at pagsusumikap. Totoo ito kahit na magkalayo ang mag-asawa sa mahabang panahon. Napakagandang makita ang maraming mandaragat na inaalagaan ang mga buhay ng kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng Skype o katulad – sa maraming buwan at napakalayo. Gaya nang madalas sabihin sa amin ng tripulante, na napakahalaga na lahat ng kabilang sa kapakanan ng mga mandaragat na patuloy na magkaloob ng suporta sa pag-access sa WiFi.

Kung ano ang nasabi tungkol sa pagpapakasal ng aking mga kaibigan, gayunman, ay maaaring sabihin rin na, kahit papaano sa ilang batayan, ng maraming buhay ng indibidwal, kabilang marahil ang aming sarili. Gaanong kadali itong matagpuan ang ating mga sarili sa isang hindi magandang ispirituwal na kalagayan ng pagkukumpuni.

Malapit nang magkuwaresma, isang panahon kapag hinihikayat ang mga Kristiyano na magnilay-nilay sa kanilang sarili, sa Diyos at sa kanilang mga relasyon sa isa't isa. Ito ang panahon para subukang isaayos ang ating mga buhay. Karamihan sa relihiyon ay nagkakaloob ng katulad na panghihikayat sa iba't ibang paraan sa iba't ibang panahon ng taon. Sa katotohanan, may pananampalataya man tayo o wala, ang paglalaan ng panahon para pag-isipan ang direksyon at layunin ng ating mga buhay, ang tungkol sa kung paanong tayong kumilos at magsalita at mag-isip, ay tiyak na magandang bagay.

Napakadalas na mayroong ilan-ilang butas sa ilalim ng pang-ibabaw; kailangan ng ating ‘mga bapor’ na mapunta sa dry dock paminsan-minsan. Kung hindi sila pupunta, talagang mag-aalala kami. Kailangan nila ng pangangalaga, paglulunas at pagkukumpuni para panatilihin silang malusog at ligtas para makapagtrabaho sa mga mapanghamong dagat at karagatan.

Marami na akong nasakyang bapor na nagsasagawa ng dry docking. Kadalasan, punung-puno sila ng sigla sa mga nag-aapurang gumagawang partido, na may walang katapusang ingay ng mga makina at ng masaganang amoy ng bagong pintura. Kadalasan silang lumalabas na mukhang mas mainam kaysa nang pumasok sila. Ang Kuwaresma ang panahon sa paglalagay ng ating sarili sa dry dock. Maganda itong pagkakataon na gumawa nang kaunting paggapang sa paligid ng ating mga sariling buhay nang may malangis na basahan. Ano ang kinakailangan ng pangangalaga? Ano ang kinakailangan ng pagkukumpuni?

Hindi ito kailanman madaling ganap na malalaman kung paanong gagawin ang Kuwaresma. Maaaring makapagbigay ang isa sa mga Mission chaplain nang ilang tulong at payo. Tatanungin nila ang parehong mga katanungan sa kanilang mga sarili. Paminsan-minsan, gayunman, ang pagtingin sa ating sarili nang sobrang buti ay maaaring maging nakalulungkot ... at medyo nakatatakot. Mailalagay ba sa tama ang mga bagay-bagay?

Ang magandang balita ay, sa Diyos, walang bagay ang hindi na maitutuwid. Mayroon parating pag-ibig at kapatawaran at pag-asa at bagong buhay. Ang kaisipang iyon ay dapat magpatuloy sa atin hanggang sa katapusan ng Kuwaresma. Napakalungkot, sa aking mga kaibigan hindi ito gumana sa kanilang buhay may asawa, ngunit sa madaling panahon ang bawat isa ay nakatagpo ng bagong katuparan at kasiyahan. Naway maghatid nang pareho ang iyong Kuwaresma, sa huli natatapos ito sa Pasko ng Pagkabuhay.

Habang pumapasok tayo sa ating sariling dry dock, ang ating dasal ay dapat tiyak na magiging parang sa nagsulat ng Psalm 51: “Create in me a clean heart, O God, and put a new and right spirit within me.”

Side:

Head: Dasal ng Kuwaresma para sa mga mandaragat

Turuan mo kami, mabuting Diyos,

na pagsilbihan ka dahil karapat-dapat ka;

para magbigay at hindi para bilangin ang halaga;

para lumaban at hindi para intindihin ang mga sugat;

para magpakasakit at hindi para maghanap ng pahinga;

para magsumikap at hindi para humingi ng anumang gantimpala,

iadya na may kamalayan na gagawin namin ang iyong kagustuhan. Amen

St Ignatius Loyola (1491-1556)