KUNG GUSTO MONG mapigilan ang mga tao na makaranas ng sakit hinggil sa pag-iisip, at totoong interesado sa kanilang kabutihan hinggil sa pag-iisip, maaaring maging kapakipakinabang sa simula pa lamang na isaalang-alang kung bakit napupunta sila sa naturang kalagayan. Maaaring isipin mo na ang naturang pahayag ay maliwanag, ngunit kadalasan, ito'y mukhang mas madaling lunasan ang mga sintomas, kaysa aksyunan ang mga sanhi. Nakasakay man o hindi sa bapor, o nasa mga lipunan na nasa dalampasigan, mukhang ganito ang kaso.

Gaano natin kadalas marinig ang mga kontemporaryong mandaragat na dumaranas ng kalungkutan at pagbubukod sa kani-kanilang lumulutang na lugar ng pinagtatrabahuhan? Mas marami kaysa ginawa namin nang nakaraan, iyon ang sigurado. Ngayon, nangangahulugan ba iyon na mas mainam na nakikilala na ng mga ahensya ng kapakanan ang mga sintomas, sa pamamagitan ng mas lalong pagsasapubliko sa mga problema? Maaari mong ipagpalagay na ito ang kaso, ngunit maaari mo rin mapansin na, sa mga kundisyon batay sa dami, kalungkutan at pagbubukod, ni alinma'y nagtataguyod ng ‘kabutihan ng katawan’, ay talagang hindi maitatangging mga tampok ng isang magandang panukala ng modernong paglalayag. Maaaring tutulan, hindi iyon ang kaso sa isang hindi gaanong masilakbong katandaan ng operasyon ng bapor, kapag mas masaganang natripulatehan ang mga bapor.

Bakit hindi ka makararamdam ng kalungkutan at nabubukod, bilang isa lang sa isa sa mga sandakot na mga taong dumadagundong sa paligid sa isang may kalakihang bapor? Malamang na patuloy kang magsusubaybay sa sarili mo, maaaring kumain sa isang silid kainan kasama ng isa o dalawa pang kasama sa paglalayag, pumunta sa iyong kamarote, at bago magtulog, manood ng pelikula nang mag-isa, sa iyong laptop.

Maaari itong maging tungkol lamang sa napagtitiisan kung kayo ay mula lahat sa parehong bansa, nakapagsasalita ng parehong wika at magilaw na makapag-uusap sa iyong mga kasama sa paglalayag tungkol sa mga resulta ng football, pamumuhay sa pangkalahatan at kung ano ang karaniwang pinag-uusapan ng mga tao. Ngunit ang aasahan ay nakalutang ka kasama ng mga tao na nagsasalita ng iba't ibang wika at nanggaling sa iba't ibang kultura, at ang komunikasyon ay nakalaan sa kung ano ang kinakailangan para sa trabaho, at ang kakatuwa na “pass the salt, please”. Anong aasahan ang mayroon sa pagtataguyod ng naisasagawa at nakakawiling shipboard society sa naturang mga pagkakataon?